All Forum Discussion

Find answers, ask questions, and connect with our
community around the world.

  • MetaHistorian2409

    Member
    February 3, 2023 at 5:54 pm
    130
    27

    PASSIVE INCOME THRU NFTS, SCAM NGA BA?
    [4 Minute Read, Filipino] CC Steve Karmona

    Miconceptions about passive income.

    Ang passive income ay nakukuha sa NFT sa iba’t ibang klaseng paraan. May iba’t ibang uri para kumita sa NFTs at masabi ito ay passive income.

    1. Staking
    Ang staking ay isang uri nang transaction upang pirmahan ang isang contract sa wallet para ang NFT mo ay kumita ng $TOKEN emission under ng NFT mo per day. For example ang emission ng NFT na hawak mo ay 5 $TOKEN per day, pwede ka kumita ng 10 $TOKEN per day kung dalawa hawak mo. Naka depende sa developers ang EMISSION at TOKENOMICS [other thread] ng NFT mo. Minsan ito ay according to rarity, minsan flat value without considering rarity.

    May dalawang klase ng staking.
    A. Hard Staking:
    Ang hard staking ay transaction signed sa wallet na pag allow na gamitin ang NFT mo mag receive ng emission ng $TOKEN sa dedicated platform nila. Take note, ang NFT ay mapupunta sa STAKING wallet ng project and hindi sa wallet mo. Ang pag unstake at claim ng $TOKEN ay mano manong ginagawa

    B. Soft Staking:
    Ang soft staking ay pag stake at pag approve ng transaction mo sa loob ng wallet mo. Hanggang approved yung transaction, may access sila sa NFTs mo sa wallet mo at kikita ka ng $TOKEN galing sa emission hanggat approved yung platform. Syempre pag nirevoke at cinancel, di ka na makakareceive ng token.

    Question, pag may $TOKEN na ba akong kinikita, sure na may pera na? NO. Ang token ay 0 value not unless magkaron ito ng LIQUIDITY POOL. Ang liquidity pool ay pag trade or pag add ng value sa $TOKEN depende sa supply and demand ng token. May mga token na nag sisimula sa 0, may mga $TOKEN na mayroon agad Liquidity Pool na nilalagay para magkaron ng kikitain ang mga holders ng projects.

    2. Hold for Airdrop
    Same Concept siya ng Soft Staking, pero naka depende sa project ang kikitain, may it be another NFT, $COINs of the chain or $TOKEN of the chain, pwede ding $STABLECOIN ang gamitin pero eto ay naka depende sa project.

    3. Hold for Revenue Sharing
    May mga NFT projects na katulad na may Game Utility sa project nila na parang Casino. Ang bawat holder ay kumikita sa bawat transaction na tuwing ginagamit ng ibang tao ang platform nila, sila ay kumikita ng portion ng fees ng bayad ng tao dito. A good example is Degen Coin Flip. Ang holders ay kumikita ng approximately 400-500~ in pesos every 4 days sa pag hawak ng NFT nila. Naka depende pa ito sa dami ng tao na gumagamit ng platform at dami ng hawak mo na NFT.

    Marami pang ibang klase ng “Passive Income” na pwedeng kitain sa NFT. Ang tanong nalang is Safe ba ito? At Sustainable ba ito?
    Babalik tayo sa Fundamental Analysis. Ano ang fundamental analysys? Ito ay ang Pag assess sa project without doing the technicals. Common Sense questions sa kahit anong business kumbaga. Pag feasible yung project [What, How, When, Why] nila possible na nasa good standing project ka. At the end of the day, if $TOKEN or Passive income ang pinag uusapan, it COMES WITH A HIGH RISK. Babalik din kung Sustainable ba ang UTILITY ng project. Kung may UTILITY AT TOKEN BA, SAPAT ANG DEMAND/BURN RATE NG TOKEN para manatili sa presyo ang token? Marami ba ang users na gumagamit para kitain mo ang revenue share na yan consistently. At the end of the day, timing, research and understanding sa chain ang kailangan mo. Marami pang ibang earning or revenue sharing mechanics tulad ng: Walk to earn, Hold to earn, Royalty Sharing atbp.

    Taxable nga ba ang pag earn ng passive income thru NFTs?
    Hinde. Not unless kung Self Employed professional and registered at voluntary. So in short nasa sayo kung mag fifile ka ng tax.
    Hindi po tayo sakop ng SEC ng dedicated nation nila dahil wala pa po tayong Centralization and Regulation na nagaganap na saklaw ng Cryptocurrency dito sa Pilipinas. Syempre wag lang po kayo mag lalabas ng more than 500k per day sa banko niyo.

    Pero kung wala ka sa Pilipinas, depende na sa bansa mo yan ngayon.

    Marami nang umangat at bumagsak dahil sa Passive income, lalo sa mga P2E NFTs. Be Smart, Be Critical. Control Your Emotions and Don’t Let your Greed Win.